Ito ang komento ni GMA creative boss, and Head writter na si Suzette Doctolero hinggil sa pelikulang Katips, na kanyang pinanood, pero hindi niya umano tinapos.
“Ayokong ireview ng buo itong Katips at hindi ko na tinapos. One hour and 10 mins lang pinanood ko. Sorry, hindi ko na talaga kinaya kasi confused yata ang filmmaker kung ano ang gusto niyang ipakita dito sa movie kaya parang nags*ls*l na hindi yata nilabasan.” ani Doctolero.
“So di ko alam kung gumanda ba nung second half? O confused pa rin. Panoorin nyo pa rin at kayo ang maghusga.” dagdag niya pa.
Sinabi naman ni Doctolero na kung pelikulang tungkol sa martial ang pag-uusapan ay wala paring makakatalo sa ‘Dekada 70’ ni Lualhati Bautista.