Politics

Mga raliyista sa araw ng proklamasyon nina BBM at Inday Sara, walang disiplina – PNP

UNRULY o walang disiplina ang tawag ng Philippine National Police (PNP) sa mga raliyista sa Quezon City sa mismong araw ng proklamasyon ng mga nanalo sa pagkapangulo at pangalawang pangulo na sina Bongbong Marcos Jr. at Inday Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay PNP Chief PIO-Police Brigadier General Roderick Alba, hindi nagkulang ang kanilang hanay sa pagpatutupad ng maximum tolerance sa tuwing may mga pagtitipon sa mga lansangan.

Nirerespeto rin ng PNP ang saloobin ng sinuman ngunit hindi na nagustuhan ng mga pulis ang ipinakitang asal ng mga raliyista matapos nilang sipain at sirain ang gamit na shields ng pwersa ng PNP.

“The PNP exercises maximum tolerance in every mass action where police intervention is necessary. Nirerespeto po namin ang freedom of expression nila but they went overboard,” ayon sa PNP.

Dito na aniya pumasok ang Bureau of Fire Protection (BFP) para gamitan ng water cannon ang mga agresibong raliyista.

“As per initial investigation, protesters kicked and waggled the shields of the police force compelling the Bureau of Fire Protection on the ground to wet them,” ayon kay Alba.

Batay naman sa salaysay ng National Capital Region Police Office (NCRPO), sinubukan din ng grupo ng mga kabataan at grupong Bayan na magtungo sa labas ng Liwasang Diokno kung saan sila ay doon pinapahintulutan na magsagawa ng kilos protesta.

Napag-alaman din na walang kaukulang permit ang nasabing mga grupo kung kaya’t pinagbawalan ang mga ito na lumabas sa itinakdang Freedom Park.

Ilan sa mga inirereklamo ng mga raliyista ang pagtutol sa naging resulta ng halalan nitong Mayo 9 at pagkakaproklama kina Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte bilang susunod na presidente at bise presidente ng bansa.

Nangako naman ang PNP na paiimbestigahan nila ang insidente.

Comments

comments

Related posts

Coronavirus cases in the Philippines starting to flatten – Health Expert

Ara Rosa

Atty. Trixie Cruz-Angeles, susunod na PCOO Secretary

Ara Rosa

Filipinas: El Presidente Duterte, donará un mes de salario para luchar contra Covid19

Ara Rosa

Leave a Comment

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More